Mga dating mambabatas at opisyal ng gobyerno, nagpahayag ng suporta sa kandidatura ni VP Robredo

Inendorso ng 16 na dating mambabatas at opisyal ng gobyerno si Vice-President Leni Robredo sa pagka-pangulo.

Kabilang sa mga nagpahayag ng suporta sina dating AFP Chief of Staff at Senador Rodolfo Biazon, Sergio Osmeña III, Bobby Tañada, at Ramon Magsaysay Jr.

Sa kanilang nilagdaang statement, sinabi na naniniwala sila na si Robredo ang pinakakuwalipikado at mapagkakatiwalang kandidato sa pagka-presidente.

Nais ng 16 na signatories ng isang pangulo na gagalangin ang demokratikong proseso at igigiit ang soberenya at territorial integrity ng bansa.

Ayon pa sa mga dating government officials, kailangan ng bansa ng isang lider na magbibigay halaga sa transparency, accountability, at kolaborasyon.

Moira Encina

Please follow and like us: