Mga dating presidente ng Philippine Bar Association, inendorso si Robredo sa pagka-pangulo

Nakakuha ng panibagong suporta sa kanyang kandidatura sa pagka-pangulo si Vice-President Leni Robredo.

Sa pagkakataong ito ay ang mga dating presidente ng Philippine Bar Association naman ang nag-endorso kay Robredo.

Sa statement na may lagda ng 10 dating PBA presidents, sinabi nila na may responsibilidad ang mga Pilipino na matiyak na ang susunod na lider ng bansa ay pareho ng mithiin gaya ng mga bayani na lumaban at namatay para sa bansa.

Naniniwala sila na si Robredo ang nagtataglay ng mga adhikain at katangian na ito.

Kumpiyansa rin ang mga dating pangulo ng PBA sa katapatan ni Robredo sa rule of law.

Maipagkakatiwala rin anila kay Robredo ang security interest ng bansa sa West Philippine Sea.

Ayon pa sa grupo, mahalagang ang susunod na pangulo ay makapagbibigay inspirasyon sa mamamayan na muling magtiwala sa pamahalaan lalo na ngayong bumabangon ang bansa mula sa epekto ng pandemya.

Moira Encina

Please follow and like us: