Mga dolphin na sumadsad sa pampang sa Saudi, pito ang namatay

RIYADH, Saudi Arabia (AFP) – Higit 40 dolphins na sumadsad sa pampang sa northwest Saudi Arabia ang nailigtas, ngunit pito sa mga ito ang namatay.

Ang pangyayari ay bunsod ng malakas na hangin at pabago-bagong panahon.

Ayon sa official news agency ng Saudi, napadpad ang mga dolphin sa mababaw na tubig  hanggang sa pampang ng Khor al-Thugba sa Red Sea.

Tumulong sa rescue effort ang ministry staff, border guards, municipality workers, civil defence members at volunteers, kung saan tinulungan nila ang mga dolphin na maibalik sa malalim na bahagi ng dagat.

© Agence France-Presse

Please follow and like us: