Mga dumalo sa UniTeam rally sa Cavite, umabot sa 120,000 katao –Remulla

Tinatayang 120,000 supporters ng tandem nina Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio ang dumalo sa campaign rally sa General Trias Sports Park noong Marso 22.

Ayon kay Cavite Gov. Jonvic Remulla, patunay ito na ang General Trias, Cavite ay “Marcos country.”

Aniya higit sa doble ang itinaas nito mula sa 47,000 katao sa rally ni Vice- President Leni Robredo sa parehong lugar.

Nag-post naman si dating Cong. Gilbert Remulla na bahagi ng campaign team ni Marcos ng mga drone shots ng campaign rally mg UniTeam sa loob at labas ng General Trias Sports Park.

Sa Facebook post ay pinasalamatan ni Duterte-Carpio ang mga dumalo sa Cavite.

Aniya ang pagtanggap sa kanila ni BBM sa Cavite ay patunay kung gaano kamahal ng probinsya ang buong UniTeam, at naniniwala sa kanila na ipagpatuloy ang mga pagpapabagong nararanasan ng bansa.

Madelyn Moratillo

Please follow and like us: