Mga Health Alliance for Democracy, nagprotesta sa harap ng DOH para ipanawagan ang pagbibitiw ni Health Sec. Francisco Duque III

Nagprotesta sa harap ng tanggapan ng Department of Health ang mga miyembro ng Health Alliance for Democracy.

Panawagan nila ang pagbibitiw sa pwesto ni Health Sec. Francisco Duque III at panagutin si dating Philhealth Pres. Ricardo Morales dahil sa isyu ng korapsyon sa Philhealth.

May bitbit pa silang larawan nina Duque at Morales na mala-baby. Sa banta namang pagbuwag ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Philhealth,

Tanong ng grupo kung makakatulong ba ito sa mga filipino na umaasa ng maayos na health care services.

Giit ng grupo dapat tumutok ang pamahalaan sa public health at hindi sa pagbuwag o pagsasapribado ng Philhealth.

Giit ng mga ito, dapat taasan ang budget para sa sektor ng kalusugan at sa COVID-19 response.

Ngayong panahon ng pandemya, giit ng grupo ay mas lalong nasubok ang Philhealth dahil nananatiling mailap sa maraming Pilipino ang serbisyong dapat ay ibinibigay ng Philhealth.

Madz moratillo

Please follow and like us: