Mga kandidato sa halalan sa Mayo pumunta kay Pangulong Duterte sa Malakanyang para magpa-endorso

Inamin ni Pangulong Rodrigo Duterte na dumagsa sa Malakanyang ang mga pulitikong kumakandidato sa halalan sa Mayo para magpa-endorso.

Sa kanyang regular weekly Talk to the People sinabi ng Pangulo na maraming kandidato ang personal na nakipagpulong sa kanya at nagpataas ng kamay bilang tanda ng pag-endorso ng Chief Executive.

Ayon sa Pangulo bilang isang pulitiko at halal na opisyal ng gobyerno ay kailangan niyang tumulong sa mga kapwa pulitiko sa gaganaping eleksyon sa bansa.

Hindi naman pinangalanan ng Pangulo ang mga kandidato na nanghingi ng kanyang basbas.

Batay sa schedule ng Pangulo nakatakda niyang pangunahan sa March 31 araw ng Huwebes ang proclamation rally ng mga kandidato ng ruling party PDP Laban sa Cebu.

Vic Somintac

Please follow and like us: