Mga kaso ng Covid-19, posibleng muling tumaas sa susunod na 2 buwan – NTF against Covid-19

Nagbabala ang National Task Force Against Covid-19 ng panibagong Covid-19 surge sa susunod na dalawang buwan.

Sinabi ni NTF against Covid-19 Medical Adviser Dr. Ted Herbosa na maaaring tumaas muli ang mga kaso dahil sa eleksyon at ang mahabang bakasyon ngayong buwan.

Ang mga aktibidad na ito ang maaaring magdulot ng super spreader event.

Napuna aniya nila sa mga political rally na marami na ang nakakalimutang magsuot ng face mask.

Aniya, hindi dapat magpakampante ang publiko kahit pa bumababa na ang mga kaso ng virus infection sa bansa.

Please follow and like us: