Mga Korte sa Calapan City, sarado subalit tuloy ang hearing sa pamamagitan ng video conferencing

 

Pisikal na sarado ang mga korte sa Calapan Cty mula August 13 hanggang 26, 2020.

Ito ay matapos isailalim sa Modified Enhanced Community Quarantine ang Calapan City sa Oriental Mindoro.

Sa memorandum ni Executive Judge Cefelene Goco, inatasan ang Office of the Clerk of Court na magtalaga ng skeleton work force sa mga nasabing petsa.

Tuloy naman ang mga pagdinig at raffle ng mga kaso sa pamamagitan ng videoconferencing.

Maaari namang makontak ang mga hukuoman sa kanilang hotlines at email addresses.

– Moira Encina

Please follow and like us: