Mga lugar sa Quezon City na isinailalim sa Special Concerned Lockdown Areas muling nadagdagan

Isinailalim sa Special Concern Lockdown Areas (SCLA) ang karagdagang mga lugar sa ilang barangay sa Quezon City.

Batay sa datos ng local na pamahalaan ng Quezon City hanggang kahapon nasa 45 na ang kabuuang bilang ng naka-lockdown na sa lungsod.

Mahigpit na binabantayan ang mga lugar dahil sa pagtaas ng kaso ng COVID-19.

Kaugnay nito, muling binigyang diin ng QC government na may mga partikular na lugar lamang na kabilang sa SCLA at hindi buong barangay.

Kabilang sa mga naragdag na lugar sa ilang barangay sa Quezon City kahapon lamang ay ang bahagi ng Bahagi ng Sitio Urlina Barangay West Fairview, Dalawang Gate 3, Del Nacia Drive, Barangay Talipapa, Isang Lugar sa Diamond St., Barangay T. Sora, isang Compound sa Valencia St., Barangay Valencia, Sitio Pugot, Barangay Bagong Silangan.

Tiniyak ng Quezon City LGU na makaatatanggap ng food packs at essential kits ang mga pamilyang apektado ng SCLA.

Bukod dito, ang mga apektadong pamilya ay isasailalim sa swab testing at mandatory 14-day quarantine.

Belle Surara

Please follow and like us: