Mga mababakanteng posisyon sa gabinete agad na pupunan ni Pangulong Rodrigo Duterte

Tiniyak ni Pangulong Rodrigo Duterte na agad siyang maglalagay ng bagong cabinet officials sa mga ahensiya na mababakante.

Sinabi ng pangulo na mayroon ng siyang naiisip na ilalagay na bagong miyembro ng gabinete dahil sa pagtakbo ng ilang mga cabinet officials sa halalan sa mayo ng susunod na taon.

Inihayag ng pangulo na hindi niya hahayaan na maparalisa ang serbisyo ng gobyerno.

Kabilang sa mga pangunahing ahensiya naagkakaroon ng bagong pinuno ay ang Department of Foreign Affairs, special. assistant to the president, presidential political adviser.

Inihayag ng pangulo na maraming kuwalipikado na mailalagay sa cabinet position at abangan na lang ng publiko ang announcement sa magaganap na pagbabago sa gabinete.

Ulat ni Vic Somintac

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *