Mga magsasaka ng mais sa Calamba Laguna nakatanggap ng Corn Seeds at Fertilizers mula sa kanilang LGU.

Napagkalooban ng Calamba City LGU ang mga magsasaka ng mais ng mga high grade CORN SEEDS AT FERTILIZERS.


Ang mga naturang magsasaka ay naapektuhan ang kanilang mga kabuhayan dahil na rin sa pandemiyang dulot ng Covid 19 sa bansa. 


Isinagawa ang pagbibigay ng mga corn seeds at fertilizer sa Calamba City Hall. 
Pinangunahan naman ni Calamba City Vice Mayor Roseller Ross Rizal ang pagbibigay ng mga naturang gamit sa pagsasaka. 


Sa pamamagitan ng mga buto ng mais, fertilizer at mga gamit sa pagsasaka ay makakapagsimulang muli ang kanilang mga magsasaka ng panibagong ikabubuhay sa gitna ng pandemiyang hatid ng Covid 19. 
Nagpapasalamat naman ang mga magsasaka ng mais mula sa Calamba Laguna sa natanggap nilang pataba, at mga buto ng mais na ipinagakaloob ng kanilang city gov’t. 

Photo courtesy: Calamba City Vice Mayor Roseller “Ross” Rizal

Please follow and like us: