Mga mangingisdang sakay ng papalubog nna bangka nasagip ng PCG

Nasagip ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard Tanza substation ang dalawang mangingisdang sakay ng papalubog na bangka sa karagatang sakop ng Naic, Cavite.

Kinilala ang mga nasagip na mangingisda na sina George Gapate at Rodolfo Tulibas, kapwa residente ng Bagong Pook, Cavite City.

Ayon sa kanila, nakasagupa daw sila ng malakas na alon habang patungo sa Labac na nagresulta sa pagkasira ng hull ng kanilang bangka.

Sa Palawan naman, nasagip rin ang dalawang mangingisda habang papalubog ang kanilang
bangka sa karagatang sakop ng Barangay Rio Tuba sa Bataraza.

Kinilala ang mga ito na sina Marsan Bedro at Amsari Tiddok na kapwa residente ng Barangay Sarong sa nasabing bayan.

Ayon sa PCG, unang narescue ang dalawa ng isang private vessel habang nakikibaka sa malakas na alon.

Pagdating naman ng team ng PCG ay inilipat sila sa pampang at tinulungang hatakin ang kanilang bangka.

Madelyn Villar- Moratillo

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published.