Mga militanteng magsasagawa ng mararahas na pagkilos laban gobyerno binantaan n I Pangulong Duterte

Binalaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga militanteng magsasagawa ng mga mararahas na pagkilos laban sa kanyang administrasyon.

Ito’y sa kabila ng paki-usap ng Pangulo sa mga militante na igalang ang bawat isa sa pagganap sa kanilang mga tungkulin.

Sa pagharap sa mga negosyanteng Tsino sa Malacañang, sinabi ng Pangulo na hindi siya mangingiming ipapatay ang mga militante sakaling mauwi sa anarkiya ang kanilang pagkilos.

Kasunod nito, sumentro na ang banta ng Pangulo sa grupong KADAMAY na walang habas na nang-agaw ng mga pabahay para sa mga sundalo at pulis.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *