Mga miyembro ng gabinete, pinagbawalan ni Pangulong Duterte na mangampanya

Pinadi-distansiya ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pangangampanya ang mga miyembro ng gabinete para huwag mapag-dudahang nagagamit ang pera ng bayan ngayong umarangkada na ang campaign period.

Ngayong simula na ng pangangampanya para sa mga tatakbong Senador at Partylist representatives muling nagpa-alala si Pangulong Duterte sa mga miyembro ng kanyang gabinete na huwag sumawsaw sa pulitika.

Diretsahang sinabi ng Pangulo bawal sa sinomang cabinet members na mangampanya sa kaninomang kandidato.

Ayon sa Pangulo dapat neutral ang mga miyembro ng gabinete para maiwasan ang anomang alingasngas na baka magamit ang pondo ng bayan.

Kaya para walang issue sabi ng Pangulo minarapat niyang pagbawalan na lamang ang mga cabinet members na makapangampanya at ang naturang polisiya ay mananatili hanggang siya ang naka-upo sa puwesto.

Ulat ni Vic Somintac

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *