Mga naghahabol sa registration, dagsa sa San Fernando, Pampanga

Mga naghahabol sa registration, dagsa sa San Fernando, Pampanga

Dahil sa nalalapit na deadline ng pagpaparehistro, inaasahan na ng Commission on Elections o COMELEC, na daragsa at patuloy pang daragsain ang bawat registration site, ng mga hindi pa nakapagpaparehistro.

Ayon kay Election Assistant II ng Sasmuan Pampanga na si Roby Karl Ortaliz, nasa 500 at higit pang mga indibidwal ang naa-accomodate nila kada araw.

Aniya, nasa 12,000 na ang kasalukuyang aplikante at dahil sa may ilang araw pa bago matapos ang pagpaparehistro, inaasahang madaragdagan pa ang nasabing bilang kung saan tinatayang higit-kumulang sa 20,000 pa ang papasok sa taong ito bilang mga bagong rehistrado.

Samantala, wala pang inilalabas na memo ang COMELEC na tugon ukol sa panawagan ng senado para sa extension ng voter’s registration na paabutin ng hanggang October 31.

Rouslie Espinosa

Please follow and like us: