Mga nakapagparehistro sa Register Anywhere Project ng Comelec higit 7,000 na

Naabot na ng Commission on Elections ang kanilang inisyal na target na magparehistro para sa Barangay at Sangguniang Kabataan elections.

Ito ay higit isang linggo bago matapos ang nagpapatuloy na voter registration.

Ang target ng Comelec na makapagparehistro ay 1.5 hanggang 2 million.

Sa datos ng poll body, nasa 1.5 milyon na ang aplikasyon para sa registration na kanilang natanggap hanggang nitong Enero 21 sa regular voter registration at Enero 22 naman sa Register Anywhere Project.

Kuntento rin ang Comelec sa magandang takbo ng RAP na mayroon na ngayong 7,555 na nagparehistro at nagpatransfer ng records.

Ang voter registration ay tatagal hanggang sa Enero 31 ng taong ito kaya hinihikayat ng Comelec ang publiko na samantalahin ang pagkakataon.

Madelyn Villar-Moratillo

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published.