Mga nakapiit sa NBI detention, ililipat pansamantala sa BuCor

Pansamantalang ililipat sa pasilidad ng Bureau of Corrections (BuCor) ang detainees mula sa National Bureau of Investigation (NBI) Detention Center.

Nakatakdang gibain ang gusali ng NBI sa Maynila kung nasaan ang detention facility para pagtayuan ng bagong headquarters.

Ayon sa NBI Public Information Office (PIO), sa BuCor sa Muntinlupa City dadalhin ang 97 detainees sa NBI detention.

Pero ang NBI detainees ay naka-hiwalay sa Bilibid inmates.

Walang petsa na ibinigay ang NBI kung kailan ang transfer ng mga nakapiit pero ito ay gagawin bago ang demolisyon ng gusali.

Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *