Mga namatay sa Ozamis City drug raid hindi binaril ng malapitan – PNP Crime Lab

Hindi binaril ng malapitan ang mga nasawi sa raid ng Ozamiz City Police na ikinasawi ni Mayor Reynaldo Parojinog Sr. at 16 na iba pa.

Ito ang lumabas sa autopsy report ng PNP-Crime Laboratory.

Ayon kay Senior Supt. Leocy Mag-abo, hepe ng PNP Crime Laboratory Region 10, pawang nagtamo ng blast injury dahil sa granada sina Mayor Parojinog, asawang si Susan, mga kapatid na sina Mona at Octavio.

Pero hindi naman aniya tinamaan ng bala sina Octavio at Mona bagkus ang alkalde at asawa nitong si susan ang nagtamo ng  gunshot wounds na kanilang ikinasawi.

Ikinasawi naman aniya ng alkalde ang tinamong dalawang tama ng bala sa dibdib at mukha habang tinamaan sa kaliwang mata si Susan  na tumagos sa likod ng ulo nito.

Samantala, narekober naman ng PNP-Scene of the Crime Operatives Region 10 ang isang pin ng granada sa daliri ng isa sa mga bodyguard ng alkalde.

Patunay lamang aniya ito na nagmula sa panig ng mga Parojinog ang pampasabog taliwas sa pahayag ni ng survivor na si Alyas Cesar na hinagisan sila ng mga pulis ng granada.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *