Mga pag-ulan ngayong araw, sanhi ng ITCZ

Sanhi ng Intertropical Convergence Zone o ITCZ, ang nararanasang mga pag-ulan ngayong araw.

Apektado nito ang Metro Manila, Cagayan Valley, Cordillera Administrative Region (CAR), Central Luzon, Region 4, Bicol Region, Visayas, Northern Mindanao at Caraga.

Ang mga nabanggit na lugar ay makararanas ng kalat-kalat na mga pag-ulan, pagkulog at pagkidlat.

Ang natitirang bahagi naman ng bansa ay makararanas ng pulo-pulong mga pag-ulan, pagkulog at pagkidlat.

Samantala, lumamig pa ang klima kung saan nasa 29.4C ang naitalang temperatura kaninang ala-1:50 ng hapon.

Please follow and like us: