Mga PAL flights patungong Kuwait, pansamantalang sususpendihin simula sa Mayo


Sususpendehin pansamantala ng Philippine Airlines (PAL) ang ilang flights patungong Kuwait simula sa May 16, 2018.

Ayon sa PAL, economically unsustainable ang patuloy na pagbabawas ng bilang ng mga Overseas Filipino Workers (OFW) na bumibiyahe papunta sa naturang bansa.

Giit ng PAL, nanatili ang ilang flights sa Kuwait para tulungang makauwi ng Pilipinas ang mga kababayang-pinoy sa kuwait noong mga nagdaang buwan sa kabila ng mababang demand nito.

Ngayong kumpleto na anila ang mga OFW na pinauwi mula Kuwait, sususpendihin muna ng Airline company ang mga flights hanggang sa mapagbuti ang market condition sa naturang ruta.

Dahil dito, inabisuhan ng pal ang mga maaapektuhang pasahero na mag-rebook ng biyahe o mag-refund ng kanilang tickets.

 

===============

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *