Mga pasahero na pauwing probinsya, dagsa na sa bus terminal sa Parañaque City

Patuloy ang pagdating ng mga pasaherong papauwi sa probinsya sa Paranaque Integrated Terminal Exchange (PITX) ilang araw bago ang holiday season.

Halos punuan at mahaba na ang mga pila sa loob ng terminal ng mga bumibili ng ticket at ng mga naghihintay sa kanilang bus.

May mga biyaheng Lipa City, Batangas City, San Juan, Nasugbu, Lemery sa Batangas; Matnog, Sorsogon; Naga City, Camarines Sur; Lucena City, Infanta, Tagkawayan, at Guinayangan sa Quezon; Daet, Camarines Norte; Baguio City, Sta Cruz, Laguna; at Cavite.

Courtesy: Eagle News Service

As of 6am ng December 23, umabot na sa lagpas 6,500 ang mga dumating sa PITX.

Kahapon, December 22 ay naitala naman ang 98,000 pasahero sa PITX habang noong December 21 ay pumalo ang mga pasahero umuwi ng probinsya sa mahigit 100,000.

Moira Encina

Please follow and like us: