Mga pasaherong galing sa bakasyon, dagsa pa rin sa iba’t ibang pantalan sa bansa

Muli na namang dumagsa sa mga pantalan sa bansa ang mga pasahero na galing sa bakasyon nitong long holiday.

Sa pinakahuling tala ng Philippine Coast Guard, umabot na sa 56, 902 ang mga outbound passengers sa mga pier.

Pinakamarami ay mula sa mga pantalan sa Southern Tagalog na umaabot sa 15, 252 pasahero.

Pumalo naman sa  14, 187 ang mga papaalis na pasahero sa mga pier sa Central Visayas habang nasa  10,271 sa Northern Mindanao at mahigit na 8,000 naman ang mga pasahero sa Western Visayas.

Wala namang naitalang anumang untoward incidents sa karagatan ang PCG sa panahon ng long holiday.

Patuloy namang naka-heightened alert ang buong puwersa ng PCG.

Ulat ni Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *