Mga Pinoy ligtas sa nangyaring lindol sa West Java, Indonesia

Walang Pilipino na nadamay sa 5.6 magnitude na lindol sa West Java, Indonesia.

Ito ay batay sa report na natanggap ng Department of Foreign Affairs (DFA) mula sa Embahada ng Pilipinas sa Indonesia.

Ayon kay DFA Spokesperson Assistant Secretary Ma. Teresita Daza, nasa 460 Pinoy ang naninirahan sa West Java.

Tinatayang 6,700 naman aniya ang kabuuang bilang ng mga Pilipino sa Indonesia.

Sa pinakahuling ulat ng Indonesian authorities, mahigit 160 katao ang namatay habang daan-daan ang sugatan dahil sa lindol sa West Java.

Nasa 2,000 bahay ang nasira habang 13,000 katao ang nananatili sa evacuation centers.

Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *