Mga Pinoy na umuwi galing Sudan nasa 442 na – DFA

Higit na sa 400 Pilipino mula sa Sudan ang nakauwi na ng Pilipinas.

Sa pinakahuling tala ng Department of Foreign Affairs (DFA) noong Mayo 9, kabuuang 442 na ang repatriated na mga Pinoy na lumikas mula sa Sudan.

Ang pinakahuling dumating sa bansa ay ang nasa 72 Pilipino.

Nagpatupad ng voluntary repatriation ang DFA sa mga Pinoy sa Sudan dahil sa kaguluhan doon.

Tinatayang nasa 750 Pinoy sa Sudan ang nakarehistro sa Embahada ng Pilipinas sa Egypt.

Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *