Mga pinoy sa Taiwan nasa maayos na kalagayan – MECO

Tiniyak ng Manila Economic and Cultural Office na nasa maayos na kalagayan ang lahat ng Pilipino na nasa Taiwan.

Ayon kay Silvestre Bello III, Chairman ng Manila Economic and Cultural Office, maging ang 3 pinoy na nagtamo ng minor injury ay nasa maayos na kondisyon narin.

Naglagay na rin aniya ng hotline ang MECO na pwedeng tawagan ng mga pinoy sa Taiwan.

Tiniyak ni Bello na may nakalatag silang contigency measures sa panahon ng anumang emergency.

Sa kabila ng malakas na lindol, kontrolado naman aniya ang sitwasyon sa Taiwan

Sa atas ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. tiniyak ng MECO na maibibigay lahat ng kinakailangang assistance ng mga pinoy sa Taiwan.

Maging ang Department of Migrant Workers ay naglaan narin aniya ng pondo para sa mga apektadong Overseas Filipino Workers.

Madelyn Villar – Moratillo

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *