Mga Pro at Anti Duterte na lumahok sa National Day of Protest pinasalamatan ng Malacañang

Nagpaabot ng pasasalamat ang Malakanyang sa mga pro at anti Duterte na lumahok sa National Day of Protest.

Sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella malayang naihayag ng mga pabor at kontra sa administrasyon ang kanilang saloobin sa gobyerno.

Ayon kay Abella naging mapayapa ang isinagawang kauna-unahang National Day of Protest na idineklara ni Pangulong Rodirgo Duterte.

Inihayag ni Abella magandang pagbabago ang naganap dahil naiangat ang uri ng diskuryo sa papapahayag ng saloobin sa pamahalaan dahil karamihan sa mga inihayag ng mga nagprotesta ay nakabatay sa mga isyung panlipunan.

Ulat ni Vic Somintac

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *