Mga pulis na mahuhuling magpapaputok ng baril sa bagong taon, aalisin sa serbisyo

Aalisin sa serbisyo ang magiging parusa ng mga pulis na mahuhuling nagpaputok ng baril ngayong holiday at sa pagsalubong sa bagong taon.

Ayon kay National Capital Region Police Office o NCRPO Chief Oscar Aalbayalde, malinaw ang kautusan ni PNP Chief Ronald Dela Rosa na dismissal from service ang ipapataw sa kanila kung talagang mapatunayan na walang rason ang kanilang pagpaputok.

Sinabi ni Albayalde na dalawang pulis at isang security guard na ang kanilang nadakip dahil sa indiscriminate firing ngayong holiday.

Ang nasabing mga pulis ay natuklasan ring lasing kaya nakapagpaputok ng baril.

Kinilala ang isa sa mga pulis na na-dismiss sa serbisyo na si Police Officer 1 Arnold Gabriel Sabillo, na nkatalaga sa Montalban Police Station

Naaresto rin ng mga otoridad ang security guard na si Ricardo Paez dahil sa walang habas na pagpapaputok ng baril sa harapan ng establisimyentong kaniyang binabantayan.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *