Mga pulis na nasasangkot sa kidnapping at iligal na droga, pinababantayan ni Pangulong Duterte sa PNP

Pinababantayan ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Philippine National Police Chief Director General Ronald dela Rosa ang mga pulis na nasasangkot sa maling gawain tulad ng kidnapping at iligal na droga.

Ayon kay Pangulong Duterte, dapat isailalim sa summary dismissal ang mga tiwaling pulis para malinis na ang pambansang pulisya.

Dagdag ng Pangulo, kapag hindi nabantayan ay posibleng maging susunod na henerasyon ng mga holdapers at drug lords ang mga ito.

Matatandaang, naglaan ng dalawang milyong pisong pabuya ang Pangulo sa bawat mahuhuling Ninja cops o mga pulis na nagre-recycle ng mga nakukuhang shabu.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *