Mga reklamong murder kaugnay sa Percy Lapid at Jun Villamor killing, pinagsama na ng DOJ

Bumuo na ang DOJ ng panel of prosecutors na didinig sa lahat ng mga reklamong murder kaugnay sa pagpatay kina Percy Lapid at Jun Villamor.

Kinumpirma ni Prosecutor General Benedicto Malcontento na pinagsama o consolidated na ang lahat ng murder complaints

Unang sinampahan ng reklamong murder ang umaming gunman na si Joel Escorial at ilan pa nitong kasabwat.

On going na ang preliminary investigation sa nasabing reklamo.

Pero ito ay pinagsama na ng DOJ sa pinakabagong murder case na inihain ng PNP at NBI noong Lunes laban sa mga itinuturong utak sa Lapid at Villamor killing.

Ang consolidated complaints ay hahawakan nina Deputy State Prosecutor Olivia Torrevillas at Senior Assistant State Prosecutors Josie Christina Dugay at Charlie Guhit.

Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *