Mga Senador, may hinanakit umano kay Senate President Koko Pimentel pero wala pa namang batayan para patalsikin ito sa puwesto

Masama umano ang loob ng ilang senador kay Senate President Aquilino Pimentel dahil sa tila pag-balewala sa kanila sa line up ng PDP- Laban para sa May 2019 elections.

Nauna nang inilabas ni House speaker Pantaleon Alvarez ang listahan ng kanilang posibleng maging pambato sa Senatorial elections pero wala sa listahan ang mga re-electionist na kaalyado ng administrasyon.

Kabilang sa mga re- electionist na nasa majority block ng senado sina Senador JV Ejercito, Nancy Binay, Grace Poe, Sonny Angara at Senador Cynthia Villar.

Ayon kay Ejercito, bagamat nagpapakita sila ng pagiging independent, suportado nila ang lahat ng programa o panukalang isinusulong ng administrasyon pero balewala ito sa PDP-Laban.

Naiparating na umano nila ang hinaing sa caucus na ipinatawag ni pimentel pero hindi nila alam ang magiging tugon ng kaniyang partido.

Paglilinaw naman ni Ejercito hindi ito batayan para mag aklas at patalsikin sa puwesto si Pimentel bilang Senate president.

 

Ulat ni Meanne Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *