Mga senior citizen at menor de edad, puwede nang sumakay sa PUVs – MMDA chair Abalos

Pinapayagan nang sumakay sa mga pampublikong sasakyan ang mga senior citizen at mga menor de edad.

Ito ang ginawang paglilinaw ni Metro Manila Development Authority (MMDA) Chair Benhur Abalos alinsunod sa pasya ng Inter-Agency Task Force ngayong itinaas na sa 70% ang seating capacity ng mga PUV sa kalakhang Maynila.

Tugon ito ni Abalos kasunod ng pahayag ni Department of Transportation Assistant Secretary at Inter-Agency Council on Traffic chief Manuel Gonzales na hindi pa pinapayagang sumakay sa public transport ang mga menor de edad kahit pa may kasamang magulang dahil wala pa ito sa guidelines ng IATF.

Gayunman, pinaalalahanan ng MMDA chief ang publiko na manatiling tumatalima sa minimum health protocol.

Please follow and like us: