Mga Senior Citizens sa Navotas City, sinimulan nang bakunahan kontra Covid-19

Sinimulan na sa Navotas ang pagbibigay ng bakuna sa kanilang mga Senior Citizens.

Ayon kay Navotas city Mayor Toby Tiangco, ang Vaccination rollout ay ginagawa ngayon San Jose Academy.

AstraZeneca ang bakuna na ibinibigay sa mga nakatatanda kung saan target mabakunahan ang 200 ngayong araw.

Alinsunod aniya sa Guidelines ng Department of Health, kung sino ang pinakamatanda ay sila ang unang mabibigyan ng bakuna.

Sa ngayon sinabi ni Tiangco na tuluy-tuloy ang pagpaparehistro nila sa mga nais magpabakuna.

Sa mga nahihirapan na magpa-register online, pinapayuhan ang mga taga- Navotas na magtungo sa mga Barangay Health centers.

Meanne Corvera

Please follow and like us: