Mga sundalo malabong ma-uudyukan ng mga nagtatangkang patalsikin ang pangulo

Natuto na daw ng leksyon ang mga sundalo sa mga nakalipas na tangkang destabilisasyon kaya malabo nang suportahan ang anumang pagpapalsik sa nakaupong pangulo.

Ito ang inihayag ni Senator Ronald Bato Dela rosa sa umanoy mga panawagang magbitiw na ang pangulo dahil sa kapalpakan sa pagtugon sa problema sa COVID- 19.

Ayon kay Senator Dela Rosa, hindi na madaling mauudyukan ang mga sundalo ng sinumang magtatangka na mapatalsik ang pangulo giit naman ni dela rosa, hindi makatutulong sa halip ay makakagulo pa sa panahong ito na may pandemya ang panawagang pagbibitiw o pagpapatalsik sa pangulo.

Nauna nang sinabi ng pangulo na handa siyang bumaba sa puwesto kapag wala na siyang suporta mula sa militar.

Itinanggi ng Department of National Defense ang impormasyong may mga disgruntled na retirado at aktibong sundalo ang kumakalas na ng suporta sa pangulo.

Meanne Corvera

Please follow and like us: