Mga taga NHA at kontratista ng Yolanda housing project binalaan na pwedeng makasuhan ng plunder at iba pang kaso

Binalaang mahaharap sa patong patong na kaso ang mga opisyal ng nNtional Housing Authority at ang kontratistang kinuha nito para sa konstruksiyon ng housing units para sa Eastern Visayas na hinagupit ng super bagyong Yolanda.

Ayon kina House Committee on Housing Chairman Albee Benitez, Eastern Samar Cong.  Ben Evardone at Leyte Cong. Vicente Veloso, maaaring maharap sa kasong plunder, Estada at gross negligence ang mga ito matapos matuklasan ang iregularidad sa Yolanda rehabilitation program ng gobyerno.

Sa pulong balitaan sa Kamara, sinabi ni Veloso na may nawawalang 40 billion pesos sa 60 billion na inilaang pondo ng nakaraang gobyerno para sa Yolanda rehab.

Ayon naman kay Benitez 68,000 housing units lamang ang nakumpleto at naitayo sa Eastern Visayas.

Gayong mahigit 205,000 housing units ang dapat na itayo para sa mga nabiktima ng Yolanda.

At sa halos 68,000 housing units naman na naitayo  ay mahigit 23,000 lamang ang okupado.

Ang nadiskubreng ito ay bukod pa sa natuklasan nilang substandard na pagkakagawa ng mga housing units na nakumpleto na.

Isiniwalat naman ni Evardone na nakorner ng JC Tayag Incorporated ang karamihan ng kontrata para sa Yolanda housing projects na nakakapagtaka aniya dahil dapat ay idinaan ito sa bidding.

Ang masama pa nito, ayon kay Evardone, ang JC Tayag na prinipal contractor na nakakuha ng kontrata sa NHA ay isina-subcontract ang proyekto at ang subcontractor na ito ay ipinapasa din sa iba pang subcontractor ang trabaho.

Ulat ni: Madelyn Villar – Moratillo

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *