Mga tanggapan ng Comelec sa Intramuros pansamantalang isasara

Simula ngayong araw, pansamantalang sarado ang mga tanggapan ng Commission on Elections na nasa Intramuros sa Maynila.

Sa abiso ng Comelec, kabilang sa mga sarado ay ang kanilang punong tanggapan, at tanggapan ng Regional Election Director ng National Capital Region, Region 4A at 4B hanggang Marso 24.

Ang hakbang ng poll body ay upang mapigilan umano ang pagkalat pa ng covid 19 matapos may ilang empleyado sila na nagpositibo sa virus.

Sa kabila nito, tiniyak naman ni Comelec spokesperson James Jimenez na hindi ito makakaapekto sa kanilang mga ginagawang paghahanda para sa nalalapit na plebisito sa Palawan at maging sa May 2022 National and Local Elections.

Bagamat sarado ang mga nasabing opisina, maaari parin naman umano silang makontak sa pamamagitan ng kanilang email address at iba pang official online communication platforms gaya ng kanilang social media accounts.

Madz Moratillo

Please follow and like us: