Mga tatakbo sa Brgy. at SK elections maaari ng mag-file ng COC – COMELEC

Simula a-23 hanggang a-30 ng Setyembre, pwede nang maghain ng Certificate of Candidacy ang mga nais tumakbo para sa Barangay at Sangguniang Kabataan elections.

Batay sa Resolution 10196 ng COMELEC o Commission on Elections, nakasaad na  tatanggapin ng mga lokal na opisina ng COMELEC ng mga ihahaing COC kahit araw ng Sabado at Linggo mula alas 8:00 ng umaga hanggang ala 5:00 ng hapon.

Hindi naman tatanggapin ang mga COC na ipinadala sa pamamagitan ng email o snail mail dahil kinakailangan personal na ihahain ito ng kandidato o ng kanyang kinatawan na may dalang authorization letter.

Ipinaalala rin ng COMELEC na libre o walang bayad ang paghahain ng mga COC.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *