Mga turista na bumibisita sa mga tourist destinations ng bansa, patuloy ang pagdagsa

Patuloy ang pagdagsa ng mga turista na bumibisita sa mga tourist destinations ng bansa.

Ayon kay Tourism Secretary Berna Romulo Puyat, isa sa mga dinadayo ngayon ang sikat na walled city o ang intramuros kung saan makikita ang lumang istruktura.

Sa datos ng Department of Tourism, hanggang nitong February 23 umabot sa 38, 154 ang pumasok na turista mas mataas ng 132 percent kumpara sa datos nitong January na 28, 855 visitors.

Patunay aniya ito na lumalakas na ang kumpiyansa ng mga turista sa Pilipinas.

Samantala sa NAIA pinasinayaan naman ng mga opisyal ng DOTr, MIAA at Customs ang apat na taxiway

Sinabi ni Secretary Arthur Tugade na sa pamamagitan nito ay mapapabilis na ang pag-alis at paglapag ng mga eroplano at mas maraming pasahero na ang maaring ma accommodate.

Ito’y dahil tataas na rin ang mga pinapayagang commercial flights lalo ngayong binuksan na ang bansa para sa mga dayuhang turista.

Meanne Corvera

Please follow and like us: