MICT, Ininspeksyon ng mga opisyal ng DOTr, DPWH at MMDA

Ininspeksyon ng mga opisyal ng DOTr, MMDA at DPWH ang Manila international container terminal services sa Tondo Maynila.

Naghahanap kasi ang DOTr at MMDA ng solusyon sa nakatakdang pagpapasara ng isang bahagi ng southbound lane ng Roxas boulevard sa Maynila.

Sa inaasahang pagsasara ng roxas boulevard apektado ang halos dalawang libong trailer trucks na patungo at paalis ng ICTS.

Sa datos ng MMDA limamput tatlong libong motorista ang dumadaan sa Roxas boulevard kada araw bukod pa sa dalawang libong ten wheeler truck na may dalang essential goods patungong southern part ng bansa.

Sinabi ni Secretary Arthur Tugade ang pagbabawas ng pagbiyahe ng mga trailer truck na may dalang container ang isa sa nakikita nilang solusyon para hindi na ito makadagdag ng traffic.

Tiniyak naman ng ICTS na kung sa pamamagitan ng barge, hindi naman made delay ang pagta transport ng mga inaangkat at inilalabas na produkto.

Meanne Corvera

Please follow and like us: