Mid-year bonus ng mga Government employees, ibibigay na sa May 15- Malakanyang

 

Simula May 15 ay makukuha na ng 1.5 milyong Government workers ang kanilang mid -year bonus para sa 2018 na katumbas sa isang buwang sahod ng mga ito. 

Kasama sa mabibigyan ng bonus ay ang mga empleyado ng gobyerno na nakapagtrabaho na sa pamahalaan ng 4 na buwan pataas at ang mga empleyado na nakakuha ng satisfactory performance rating sa kanilang Appraisal period. 

Aabot sa 36.2 billion pesos ang pondong inilaan ng Pamahalaan para sa mid-year bonus ng mga empleyado ng Pamahalaan na nakapaloob sa 2018 National budget.

 

Ulat ni Vic Somintac

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *