Milwaukee Bucks, tinambakan ng Denver Nuggets

Tinambakan ng Denver Nuggets ang Milwaukee Bucks sa score na 136-100.

Ito na ang ika-5 sunod na panalo ng Nuggets, kung saan nasa pang-5 puwesto rin sila sa Western Conference.

Gumawa ang star center na si Nikola Jokic ng 18 points, 15 assists at 9 rebounds para sa Denver.

Isang 12-5 atake sa 3rd period ang nagbigay sa Nuggets ng 77-62 lead bago durugin ang Bucks sa score na 118-93 sa last 5:55 minutes ng 4th quarter.

Pinangunahan ni Aaron Gordon ang Denver sa kaniyang 24 points, at nag-ambag din ng 18 points si Monte Morris at 15 points si Will Barton.

Humataw naman ng 22 points sa 1st half s Giannis Antetokounmpo para sa Milwaukee.

Samantala, nakabawi ang Suns mula sa 12-point deficit sa 4th quarter at nagawang talunin ang San Antonio Spurs sa score na 115-110.

Umiskor si Devin Booker ng 28 points kasama ang apat na 3-pointers, at nagdagdag pa si Mikal Bridges ng season-high 26 points para makuha ng Phoenix ang best record sa NBA at Western Conference.

Please follow and like us: