Minibus , sinunog sa Catanuan Quezon

Sinunog ng apat na Armadong mga lalaki ang isang pampasaherong minibus sa bahagi ng barangay Dahican sa Catanauan Quezon Miyerkules ng gabi.

Ayon sa Catanauan PNP ganap na alas 7:30 ng gabi habang tinatahak ng minibus na may plate number na NI X660 at minamaneho ni Carl Villanueva nang parahin ng apat na lalaki ang minibus sa kahabaan  ng National road patungo sa Brgy. Poblacion .

Pag-akyat ay agad na pinababa sa minibus ang driver at konduktor kasama ang tatlong pasahero nito.

Sinabi pa ng mga suspek na hindi holdap ang kanilang motibo.

Pagkababa ay dito na sinunog ng mga suspek ang sasakyan gamit ang isang gasera.

Tumakas ang mga suspek matapos ang panununog.

Samantala, ayon naman kay Ginoong Noel Capisonda Presidente ng Gumaca Transport Service Cooperative matagal na umano silang nakakatanggap ng death threat at pananakot na pagsunog sa tuwing maglalabas sila ng bagong unit ng modern jeepney.

Sa ngayon ay nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa nangyaring krimen.

Allan LLaneta

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *