Minorya sa Senado maglalabas ng hiwalay na Committee report ukol sa imbestigasyon sa naunsiyaming sugar importation

Maglalabas ng hiwalay na committee report ang Minorya sa Senado hinggil sa ginawang imbestigasyon sa naunsyaming Sugar importation.

Pero tumanggi muna si Senator Koko Pimentel na magdetalye sa lalamanin ng kanyang report.

Pero si Senador Risa Hontiveros,naniniwalang ginawang fall guy si DA USEC Leocadio Sebastian.

Bakit raw si Sebastian ang pinakakasuhan samantalang nagsabi lang ito ng katotohanan?

Kuwestyon niya bakit ipina subpoena si Executive Secretary Vic Rodriguez samantalang hindi nito idinetalye ang meeting ng Sugar Regulatory Administration noong August 4.

Sa naturang meeting sinasabing inatasan ni Rodriguez na ipursige na ang pag-iimport ng asukal na aabot sa 300 thousand metric tons.

Pero ayon kay Senador Francis Tolentino na Chairman ng blue ribbon committee, mayorya ng mga Senador ang nagdesisyon batay sa mga ebidensya .

Meanne Corvera

Please follow and like us: