Mix and match ng anti COVID-19 vaccination trial , isinagawa na sa 3 lugar sa Metro manila – DOST

Umuusad na ang mix and match trials ng anti COVID 19 vaccine na pinangungunahan ng Department of Science and Technology o DOST.

Sa laging handa public briefing sinabi ni DOST Undersecretary Rowena Guevarra na mayroon nang tatlong lugar kung saan ginagawa ang mix and match trials.

Ayon kay Guevarra kabilang dito ang Marikina City, Lunsod ng Maynila, at Muntinlupa City.

Inihayag ni Guevarra 347 na ang narecruit at kasali sa pag-aaral na ito at nabakunahan na ng first dose ng sinovac habang 184 sa mga ito ay nabigyan na ng second dose na AstraZeneca, Moderna o Sputnik V.

Vic Somintac

Please follow and like us: