MMDA , Tumanggap ng 17 ambulansya mula sa NGO

Tumanggap ang MMDA ng labimpitong ambulansya mula sa Non-Government Organization na Pitmaster foundation.

Ang mga ambulansya ay ipapamahagi sa labimpitong syudad sa Metro manila para makatulong sa first aid at pagsagip ng mga pasyente.

Tinanggap ang mga ambulansya nina MMDA Chairman Romande Artes at Dr. Gloria Balboa head ng DOH sa National Capital Region.

Kumpleto na ito ng basic life support equipment.

Sinabi ni Artes na malaking tulong ito sa mga Local Government Units lalo na sa rescuer, emergency at COVID-19 reponse.

Meanne Corvera

Please follow and like us: