Mobile vendors sa Pangasinan binigyan ng negosyo kart

Sa ilalim ng Negosyo sa Kariton project, ay namahagi ng negosyo kart o nego kart, sina Congressman Tyrone Agabas at dating Congresswoman Marlyn Agabas sa mga mobile vendor, sa pakikipagtulungan ng Department of Labor and Employment o DOLE.

Layunin ng nabanggit na proyekto na makatulong at suportahan ang panhkabuhayan ng mga mangangalakal laluna at nagpapatuloy pa rin ang pandemya.

Labing anim na mobile vendors ang napag kalooban ng mga nego kart na mula sa bayan ng Sta. Maria at Balungao.

Bukod sa mga kariton, napagkalooban din sila ng tatlong libong piso para sa kanilang puhunan.

Lubos naman ang pasasalamat ng mga naging benipisyaryo ng naturang proyekto, dahil magagamit nila ito sa kanilang paghahanapbuhay.

Pinasalamatan naman ni Cong. Agabas ang DOLE na pinamumunuan ni Sec. Silvestre Bello III at ang iba pang naging katuwang na sa pagsasakatuparan ng proyekto.

Ulat ni Juvy Barraca

We live in interesting times. 🙂

Please follow and like us: