Monthly subsidy sa mga magulang na mayroong anak na may kapansanan isinusulong sa Kamara

Itinutulak sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang panukalang batas na mabigyan ng buwanang subsidiya ang mga magulang na mayroong children with disability.

Ito ang nilalaman ng House Bill 6743 na inihain nina Davao City Congressman Paolo Duterte at Benguet Congressman Eric Yap.

Batay sa panukalang batas nina Duterte at Yap isinusulong na mabigyan ng 2,000 pesos na monthly subsidy ang mga eligible na mga magulang ng mga batang may kapansanan na may edad na 21 taong gulang pababa.

Inihayag nina Duterte at Yap ang naturang pinansyal na tulong ay inaasahang makakatulong sa gastos at iba pang kailangan ng mga batang may kapansanan at maaaring magamit ang pera sa gitna ng patuloy na pagtaas ng cost of living.

Kapag naging ganap na batas ang panukala nina Duterte at Yap masasakop nito ang lahat ng mga magulang ng mga batang may kapansanan subalit kailangang verified and certified ng Department of Social Welfare and Development o DSWD at National Council on Disability Affairs o NCDA.

Para naman matiyak na hindi maaabuso ang isinusulong na batas naglatag ng mga parusa sa mga lalabag o mapapatunayang nanloko gaya ng pag-enrol sa sarili bilang magulang ng batang may kapansanan.

Sa unang paglabag multa na hindi bababa sa 25,000 pesos pero hindi lalagpas ng 50,000 pesos at sa susunod na paglabag ay multa mula 50,000 pesos hanggang 100,000 pesos.

Sa ilalim ng House Bill 6743 nasa 2 bilyong piso ang isinusulong na initial na budget at ang taunang pondo naman ay isasama sa National Budget.

Vic Somintac

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *