Monty Williams ng Phoenix Suns, pinarangalan ng NBA Coach of the Year Award

Head coach Monty Williams of the Phoenix Suns during the first half of the NBA game at Footprint Center on January 24, 2022 in Phoenix, Arizona.  Christian Petersen/Getty Images/AFP (Photo by Christian Petersen / GETTY IMAGES NORTH AMERICA / Getty Images via AFP)

Nakuha ni Monty Williams ng Phoenix Suns, ang Red Auerbach Trophy bilang NBA Coach of the Year para sa 2021-22 season.

Landslide ang nakuhang boto ni Williams kung saan nakatanggap siya ng 81 first-place votes at natapos na may 458 overall points sa boto ng panel ng 100 sportswriters at broadcasters.

Ito ang unang NBA Coach of the Year Award ni Williams, kung saan makakasama na siya nina Cotton Fitzsimmons (1988-89) at Mike D’Antoni (2004-05) bilang mga unang coaches ng Suns na nakakuha rin ng nasabing award.

Noong isang buwan, si Williams ay pinarangalan ng National Basketball Coaches Association Coach of the Year Award para sa ikalawang sunod na season.

Ang 50-anyos na si Williams ay nasa ikatlong season na bilang head coach ng Suns.

Please follow and like us: