Moreno muling hinimok si Robredo na umurong sa pres’l race

Muling nanawagan si presidential candidate at
Manila Mayor Isko Moreno sa kapwa kandidato na si Vice President Leni Robredo na umatras na sa presidential race.

Hinamon rin ni Moreno si VP Leni na patunayang na hindi siya kinausap nito para paatrasin sa pagtakbo sa pagka pangulo.

Una rito ay kinumpirma rin maging nina Senador Panfilo Lacson at dating Defense Sec. Norberto Gonzales na pinaatras rin sila ni Robredo sa pagtakbo.

Kaugnay nito, hinamon rin ni Moreno ang campaign manager ni VP Leni na si dating senador Bam Aquino na pabulaanan ito.

Tinawag namang bully ni Moreno si Atty. Barry Gutirrez at pinayuhang tigilan na ang pagsasalita para kay Robredo.

Ang campaign manager ni Moreno na si Lito Banayo ay tinawag namang wholesale vote buying ang mga hakbang ng kampo ni Robredo para mapaatras ang mga katunggali nito.

Madelyn Moratillo

Please follow and like us: