Moreno nanindigan sa pagtawag na bully at pagpapaatras kay Robredo sa halalan

Walang balak si Manila Mayor Isko Moreno na humingi ng paumanhin kay Vice President Leni Robredo.

Ito ay kaugnay ng pagtawag ni Moreno kay Robredo bilang “godmother of bullies” at paghimok na umatras ang VP sa presidential race.

Una nang sinabi ni Isko na numero unong bullies sina Robredo at ang mga ‘kakampinks.’

Binanggit ng alkalde ang mga insidente kung saan binalaan ng mga pro-Leni na negosyante na tatanggalin sa trabaho ang mga tauhan na ibang kandidato ang iboboto.

Hinamon kamakailan ni Moreno si Robredo na itanggi nito mismo ang pagkausap sa kanya at iba pang presidential candidates na bumitaw sa pagkandidato.

Maging ang campaign manager ni Robredo na si dating Sen. Bam Aquino ay hinamon ni Isko na pabulaanan ang withdrawal call sa iba pang presidential aspirants.

Madelyn Moratillo

Please follow and like us: