MRT-3 may libreng sakay sa Araw ng Kalayaan

Magbibigay ng libreng sakay ang Metro Railways Transit Line 3 (MRT-3) sa Sabado, June 12.

Ito ay bilang pakikiisa ng ahensya sa paggunita sa ika-123 anibersaryo ng Proklamasyon ng Araw ng Kasarinlan ng Pilipinas.

Sa advisory ng MRT-3, ang free rides ay mula alas-7:00 hanggang alas-9:00 ng umaga at mula alas-5:00 ng hapon hanggang alas-7:00 ng gabi.

Please follow and like us: